Linggo, Enero 26, 2014

PAANO MO MAKIKILALA ANG SARILI MO?

Hi dear readers, eto na naman ako, nagtatanong.. paki sagot pls.. ano nga ba tanong ko? hehehe... so eto yun paano mo ba makikilala ang sarili mo?

medyo mahirap yang tanong na yan kasi wala namang specific na sagot dyan kasi aminin na natin we are always young at heart, we always imagine things, na sana tayo yun, na sana ako yun, na sana kaya yun, marami tayong pangarap minsan nga kala natin tayo na yun... hay ang hirap ng tanong ko ah.. paano ko ba sasagutin ito?

actually ang blog na ito ay isang malaking diary para sa akin, so samahan nyo naman akong magsulat dito, o cge na nga magbasa na lang kayo...demanding ka joy ? heheh.. joke lang po, kung gusto nyo lang namang basahin..

PAANO MO MAKIKILALA ANG SARILI MO?

1. Hindi ko rin masagot eh, ang alam ko lang kapag nakakagawa ako ng mga bagay na di ko inieexpect na kaya ko palang gawin, dun ko nakikilala ang sarili ko, gaya na lang ngayon, ang akala ko sa sarili ko mahilig lang akong magbasa, wala akong paki alam sa iba, gusto ko lang magbasa ng magbasa di ako mahilig makipag-usap pero mali pala ako.

kala ko kasi READER lang ako yun pala WRITER din. YUN OH!..
mahilig pala akong magkwento kasi marunog din pala akong magsulat.. kitams, so hindi man ako mahilig makipag-usap mayron din pala akong kwento na pwede kong masulat.

2. Kapag sinabihan ka ng taong mahalaga sayo na kaya mo yan, para sa akin kahit hindi ko kaya, eh magagawa ko sya, kaya nga yung mga kaibigan natin ay talaga naman treasures sa ating buhay, lalo na mga kamag-anak natin, kapatid, magulang, anak at asawa, sila talaga ang ginagamit ng ating Panginoong Jesus para iparating nya sa atin na walang impossible sa kanya, kaya nyang ibigay lahat ng di natin inaasahang kaya nating gawin. kaya ang katagang KAYA MO YAN.... di lang yan galing sa mga mahal mo sa buhay, alam nyo kung kanino galing yan? galing  yan sa SAVIOR NATIN and REDEEMER walang iba kundi ang AMA, ang ANAK at ISPIRITU SANTO na si PAPA JESUS. thank you Lord.

3. Kala ko lazy ako, pero bakit ganun bukod sa may trabaho akong full time, binigyan pa ako ni Lord ng mga sidelines, bakit ko nga ba nasabing lazy ako, kasi simula bata pa lang ako lagi na lang akong ginigising kapag umaga, ang sarap kasing matulog eh.. pero wag ka kapag gumising naman na ako diretcho trabaho at wala ng tigil hanggang gabi. so hindi porke't ayaw bumangon ng maaga tamad na ha... masipag pala ako, kaya nga bukod sa mga part time jobs ko eh nakapag-susulat pa ako dito.

4. i always think fast forward, ewan ko ba lagi ko na lang naiisip ang kinabukasan kung ano gagawin ko, kung anong dapat kong gawin at kung ano pa pwede kong magawa, siguro dahil na rin na tayo ay tao lamang  na hindi mapakali sa buhay pero hindi ibig sabihin na walang kakontetuhan kundi naghahanap ka pa ng makaka pagpuno sayo kasi binigyan tayo ng napakadaming rooms for improvement ni Lord. di ba nga kaya tayo nagkaka-encounter ng success, failures, trials, happiness, sadness, experience, memories, laughter at kung ano ano pa kasi nga nag-uumapaw si Lord sa buhay natin. oh di ba ang lalim ko, asan ang balon? hehehe.. joke!

5. Makikilala mo lang ang sarili mo kung alam mo kung paano ka mag-isip, sa totoo lang maraming tao ang nagsasabing mabuti sila, may isang salita, kapakanan mo lang ang iniisip nila, gusto lang nila maayos ang systema, well in fact they are greedy, inside out they are greedy.. yes they are greedy, greedy for so many reasons, like FOR POWER, FOR MONEY, FOR LOVE,  and FOR HAPPINESS. yes but all of these are traits human possess. para sa akin makikilala mo lang ang sarili kung paano ka mag-isip. Kapag nag-isip dalawa lang lagi ang gusto mong mang-yari ang may mangyare at anong mangyayari? magulo ba? oo nga naguluhan din ako hehehe.. no kidding aside. tignan natin ito

kapag nag-isip ka gusto mong may mangyare, para kanino? no.1 pwede para sa sarili mong kapakanan.
no.2 pwede para sa kanya, no.3. pwede ring para sa iba.

at kapag nag-isip ka minsan advance inaalam mo agad kung anong mangyayare? para kanino? no.1 pwede para sa sarili mong kapakanan no.2 pwede para sa kanya at no.3 pwede ring para sa iba.

ang tanong ano ang kaibahan? actually kapag sinabi mong dapat may mangyari eto ay for your own advantage, either you gain something out of the situation, pero kapag naisip mo anong mangyayare eto naman yung for the advantage of the other party, kasi definitely you don't want to back fire to you what will happen to them, so you'll do good, pero doon sa thoughts na dapat may mangyare you do not think about the future, you only think about the present, the moment so whatever consequences it might bring you wala kang paki-alam. so doon nagkaiba ang mga tao.

Paano mo kikilalanin ang sarili mo, there are so many ways but do not forget my tips above. God bless everyone! have a nice day!

2 komento:

  1. May nabasa ako noong 1980's na lining biblical na may nahasulat na "kilalanin ang sarili para makilala ang Diyos at upang ikaw naman ay kanyang kikilalanin.
    Hinahanap ko ito sa mga bagong salin na bibliya pero Di ko na makita.
    Kaya nagbakasakali ako sa google.

    TumugonBurahin
  2. Paglilinaw:
    Ang (lining biblical) ay Mali ang Tama ay "lumang bibliya"

    TumugonBurahin