Linggo, Enero 26, 2014

INVEST IN YOURSELF

"THE VERY ENRICHING THING THAT YOU WILL DO IN YOUR LIFE IS TO INVEST IN YOURSELF"

Investment, kapag investment na napag-uusapan, biglang nababago ang usapan bakit kaya ganun MEMO? ay blog ko pala to kala ko wattpad.. hehehe..

ang dami kong gustong sabihin kaya lang di ko makuha ang tamang salita, nasan ka na ba wordszzzzz wordssss wordsss labas na, dali! yung mga readers ko (kung meron man, sana mag comment naman kayo) naiinip na!

opo investment talaga sa sarili ang importante, ano ano ba ang klase ng investment na pwede mong gawin sa sarili mo?

1. Nung una ang nasa isip ko lang ay kapag nakapag-aral ako, natapos ko pag-aaral ko eh ok na, nakapag invest na ako sa sarili ko.. oo tama naman yan kaya lang parang may kulang.. ano pa ba ang kulang, ang kulang ay kung papaano mo iintindihin na ang katapusan ng pag-aaral ay pag-aaral din, PAG-AARAL sa maraming bagay sa aspeto ng iyong buhay.

2. Hindi ko hilig makinig sa usapan ng iba o makisawsaw sa mga meeting nila pero sa totoo lang nakakapulot din ako doon ng mga valuable inputs para sa sarili ko. oo VALUABLE INPUTS talaga kasi minsan naicocompare ko ang sarili ko kung ako sya at kung anong gagawin ko kung ako sya, tama dahil sa mahilig akong magbasa, pati kilos at sinasabi ng tao gusto ko ring basahin to my advantage, para sa pag-aaral ko, sa lahat ng aspeto ng buhay.

3. Hindi bagay sa akin ang magpaka nerd ang itsura kasi may itsura naman ako so hindi pwedeng tawagin genius, pwede sigurong taong may-nalalaman, oo may-nalalaman, marunong kasi akong UMINTINDI, hindi mahirap para sa akin ang intindihin kung anong gusto mong sabihin at dahil doon hindi ko na pinipilit ang gusto ko. Dahil nga sa taong may nalalaman ako, humahanap na lang ako ng ibang mga bagay na makapagpapalit o makapagbibigay sa akin nung mga bagay na hindi naibigay sa akin. Magulo ba? wag kang mag-alala basa basa lang maiintindihan mo rin yan.

4. Kahit na anong edad mo pwede ka pa ring mag-invest sa sarili mo, lawakan ang pang-unawa at laliman ang pananaw sa buhay, ano ba ang mga makapagpapasaya sayo o ano pa ba ang hinahanap mo?... lahat ng tao ganito ang nasa isip gusto kong mag-invest sa sarili ko kasi gusto kong mag ka pera.. TAMA di ba yun yung unang papasok sa isip mo.. Pero bakit hindi natin palalimin ang usapan na ito.

a) Gusto mo lang ba talagang magka PERA? o baka naman gusto mo rin umayos ang buhay mo?
so ano na, ang tagumpay ay hindi lamang nasusukat sa kung gaano kalaki ang pera mo sa bangko, kundi kung papaano mo pinamahalaan ang mga bagay na ibinigay sayo ng ating Ama sa langit.

Ang pag-invest sa sarili ay hindi lamang para kumita ka kundi gusto mo rin umayos ang buhay mo, sa magulong mundong ito, kailangan mong unahin mag-invest sa sarili mo.

Eto mga tips kung paano ka mag-invest sa sarili mo

1. Maging mapagkumbaba dahil kapag ikaw ay mapagkumbaba walang taong magiging mapagmataas sayo.
so in short magugustuhan ka nila, you will gain trust and friends.

2. Sabi ko nga kanina ang katapusan ng pag-aaral ay pag-aaral din so continue to learn, huwag mong isarado ang isip mo sa mga bagay na makapagbibigay sayo ng impossible. Just continue what you are doing and at the same time, analyze and accept the thoughts/learning that you get out of your study.

3. Be open to criticism, get valuable inputs to those who criticize you, you will never know baka sila pa magbukas ng mga mata mo sa opportunity na hinihintay mo.

4. Invest in yourself meaning invest in your financial status, physical appearance, emotions and spiritual being. lahat ng ito ay kasama unahin na natin ang invest in your financial status.

         a. Financial status- gaano ba kalaki ang value mo when in terms of financial status? may savings ka ba? may time deposit ka ba? may insurance ka ba? may jewelry items ka ba? o baka naman puro utang ka sa credit card mo, sa ibang lending institution o pati sa kaibigan mo, kamag-anak mo eh tambak ka sa utang.
kung puro utang ka at yan ang status mo mahirap yan, makaka-pag-invest ka lang sa sarili mo kung lilinisin mo lahat ng utang mo, bago ka pa makapag-savings. pano mo gagawin yan, (pls. refer to PAGTITIPID VERSION KO na naka post sa blog na to).

kapag ok na lahat ng utang mo at wala ka ng utang, simulan mo ng pakonti-konti makapag-ipon ka, kahit pa sampu sampu lang isang araw and then dagdagan mo ng dagdagan kapag nakaluwag ka na. Sumali ka sa mga kooperatiba para maka-ipon, kumuha ka ng mga insurance plan sa mga insurance company, kung saan dinodoble ang iyong pera sa loob lamang ng sampung taon, bukod sa insured ka na kung ano man ang mangyari eh may matatanggap ang beneficiary mo, o kung ma disabled ka meron kang marereciv na pension sa insurance mo, at kung buhay ka pa makalipas ang sampung taon o kung ilang taon man ang plan na kinuha mo eh babalik pa sayo yung pera mo na may interest at kung minsan doble pa.

mag invest ka rin sa mga funeral service, ex. st.peter plan kung saan 4 n 1 ang benefits na makukuha mo sa maliit lamang na hulog kada buwan. 1.) ito ay transferable sa kahit kaninong kapamilya mo o kahit kaibigan mo pa  2.) life insurance in case of death within the 5 year period of paying the plan 3.) automatic fully paid ang plan kapag namatay after 1 year ng paghuhulog ng plan.. 4.) may money back features pa after 15 years pero kahit nakuha mo na yung pera mo eh enforceable pa rin ang plan kumbaga pwede pa ring gamitin at ipagamit sa iba.


2. Mag-invest ka sa iyong physical appearance, maraming tao subsob sa katratrabaho hindi man lang magawang magsuklay o tumingin sa salamin, kung di ka maganda mas lalo kang papangit kung hindi ka magpapaganda, at kung maganda ka naman wala ng titingin sayo kung nagpapakapangit ka. Isipin mo na lang na mas kaaya ayang tignan at masarap talagang tignan ang mga taong may maganda at maaliwalas ng mukha.

Kaya naman eto ang payo ko sayo

a. Make time to put some lipstick and make-up. yung tamang shining shimmering splendid ang dating mo.

b. spare some cash to buy new clothes, when was the last time you buy something for your self? you should be asking that question every now in then, if you like to invest in yourself. Kasi sabi ko nga ang magandang damit ay para narin nating pag-uugali. Doon kasi napapansin ang tao sa kasuotan nya, but don't get me wrong im not saying na kapag maganda damit maganda ugali, hindi ba pwedeng may pinapagandahan lang?
haha.. psychoanalytic theory ang katapat nyan, well hindi ko man alam kung ano pinaghuhugatan na rason ng mga tao sa pagsusuot ng magandang damit ang masasabi ko lang mas karesperespeto ka kung maayos kang manamit.

c. kahit anong ganda ng mukha dahil sa make-up, at dahil sa damit hindi pa rin mai-kakaila na mas maganda ka kung maayos ang nasa loob ng katawan mo. So invest in checking up yourself, saan? e di sa ospital, mag pa check up ka sa doctor alamin mo ang hindi tama o kung may mali sa loob ng iyong katawan. Alam naman natin na mahal magpa gamot pero ganun talaga parang sasakyan lang yan hanggat hindi nababangga o nasisira hindi malalaman kung ano ang sakit nito so kaya kinakailangan ng preventive maintenance di ba nga kaya nga may change oil sa sasakyan etc. ganun din sa tao kailangan ng preventive maintenance, at matutulungan tayo makapagtipid kung meron tayong health card. Tama mag invest sa health kumuha ng health card. Bukod sa wala ka ng iisipin kung san mo kukunin ang pera mo for emergency kagaya ng pagkakasakit kung meron ka na naman health card, kasi ang health card ay parang prepaid card nagbayad ka na muna bago mo gamitin, pero maganda nito sa oras naman na gamitin mo more than pa doon sa binayad mo ang makukuha mong benefits nito. o kaya naman kung gusto nyo ng health card text nyo na ako. ok ba?

3.Mag invest ka din sa iyong emotions, - happy, laughter, joyfulness, merry, hahaha puro kasiyahan talaga? oo kasi palayaw ko joy! no kidding aside, dapat talaga happy thoughts ang investment sa emotions, para naman kapag medyo malungkot may maiisip ka pa ring masaya, gaya ng lumabas kayo ng kapatid mo kasama asawa mo, magulang mo ang hipag mo at bayaw at mga cute mong pamangkin o di ba ang saya. hindi lang yan matuto kang makipag-kamustahan sa mga kaibigan mo kahit malayo sila konting chat lang, o kahit isang text lang para na din nakapag-usap kayo ng matagal ganun kasi yun kapag kaibigan mo kamag-anak mo o kapamilya kahit matagal kayong di nagkita parang kahapon lang din ang usapan hehe.. so invest in happy thoughts. ayaw ko ng iba, kayo na lang bahala kung gusto nyong dagdagan.

4. Most importantly invest in your spiritual life. Opo tama po yan invest in your spiritual life, paano mo nga ba gagawin yun ibig bang sabihin magpapkabanal ka na? oo tama, magpakabanal ka but not to the point na lalayuan ka na nila dahil sa mapaghusga mong tingin o dahil sa napaka sakit mong magsalita kapag may pinaniniwalaan ka na hindi nila pinaniniwalaan, sabi nga di ba love your enemies, and don't do unto others what you don't want to do unto you. Tama po yun invest in your spiritual life, so here's the tip.

a. Wag kang mapanghusga sa kapwa mo.

b. kapag hindi mo alam magtanong ka at kapag hindi pa rin nasagot alam mo ba kung sino talaga ang may alam ng lahat ng bagay? ng lahat ng gusto mong itanong at ng lahat ng kayang isagot? walang iba kundi si Kristo Jesus opo sya lang naman ang nakapagbibigay talaga ng tamang tanong at tamang sagot, so kung may tanong ka mag pray ka lang PRAYER ang communication na ginagamit ni sender papunta kay receiver and vice versa.

c. kung talagang gusto mong mag invest sa sarili mo, mag invest ka muna sa gawain ng Diyos, ano ibig kong sabihin, sundin po natin ang tithing na tinatawag o yung 10% ng iyong kinikita ay dapat ibigay sa gawain ng Diyos, kasi ito ay gagamitin nila upang makahayo at maipakalat ang salita ni Lord, pero ang pagbibigay ay dapat bukal sa puso at may ngiting pagpapasalamat sa Ama sa lahat ng pagpapala ni ibinigay nya. Alam nyo ba na may pangakong hatid ang tithing o tithes ang sabi sa bibliya kapag ikaw ay nagtapat sa kanya sa ikapu sya ay magtatapat din sayo sa pamamagitan ng pagpapalain ka ng siksik liglig at umaapaw pa. Panghawakan lang natin ang pangako ng Ama, ng Anak ng Espiritu Santo na si Jesus Kristo dahil sya lamang ang tanging daan sa ating mga panalangin.

d. Mahilig akong magbasa pero hindi ko nahiligan magbasa ng bibliya opo nagbabasa po ako konti konti nga lang, kahit konti konti pa lang at least sinisimulan ko na, ugaliin po natin na magbasa ng bibliya kasi ito ang pagkain ng ating kaluluwa. Inumin sa nauuhaw nating espirito at gabay sa buhay nating dito sa lupa. Invest in yourself by reading the Bible maraming gustong sabihin sa atin si Lord ayaw lang natin pakinggan, pero bago ka magbasa ng Bible mag pray ka muna para hindi ka antukin at tsaka para maintindihan mo dahil gagabayan ka ni Lord.

so medyo mahaba haba na rin itong invest in yourself, sa susunod naman na post ko gusto ko sana kasama na yung mga inputs nyo.. kaya feel free to comments in the comment section sa ibaba. Salamat sa pag basa
God bless everyone!


--- joyce 2014




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento