Una sa lahat ginawa ko talagang tagalog ang blog ko na ito, kasi ako'y isang pinay sa puso't diwa... ahahaha no kidding aside, totoo kasi pnay ako, kaya tagalog to promise! ooops english yun.. but nwey gusto ko lang gamitin ang lingwaheng atin.. be proud oopps ano ba talaga joy? ang gulo mo eh.. oh sya sya tagalized na lang o engalog na lang ha..? sige na pls.. love you paki-eplain? ahahaha joke!
INVESTMENT tips ba hanap mo?
Ang isang ordinaryong pinoy naghahanap ba ng pagtataguan at magpapalago ng kanyang PERA? hmmmm.. bago yan sa pandinig ko kasi normal na sa atin ang maging heavy spender sa kakarampot natin kinikita, tama ba ako? Sabi nga ni Brod Pete ALIEN!
Pero anong generation na ba ngayon? at hanggang ngayon ganyan pa rin tayo, parang di ko ma gets ang logic ng panahon ngayon, heavy spender, with little salary? o high salary but spent on luxurious thing only? hay buhay, parang walang bukas ang pinoy.... kaya naman eto po para sa ating lahat nawa eh magawa natin ito.
Tanong:
Paano ba ako makapagtitipid?
Sagot:
Aba ewan ko buhay mo yan eh..joke! syempre i define muna natin ang katagang pagtitipid. Ano nga ba ang pagtitipid. Sa sarili kong bukabularyo ang pagtitipid ay ang di pag-aaaksaya, ibig sabihin ginagamit natin ng sulit ang lahat ng meron tayo, mapa-pinansyal man yan, o aspeto ng pag-aaaral, mapa-gamit ng oras. Kung baga nasiyahan ka sa bawat segundo, minuto na ginagawa mo gamit ang mga bagay, kaalaman, at pinansyal na meron ka. yun ang PAGTITIPID! bow.
Paano nga ba makapagtitipid? tanong ko rin yan sa sarili ko, kasi miski ako medyo alanganin sagutin yan dahil nasa punto pa lang ako ng aking buhay kung saan nagtatanong din ako. dahil nga nagtanong ako sabi nga nila knock and the door and the door shall be open for you, at sa tingin ko dahil nagtanong ako, may sasagot din sa akin.
So dito na nagsimula ang research ko tungkol sa pagtitipid,
1. Unang una sabi sa akin ng aking konsensya magtipid ka nga! ang sagot ko pano?huwag kang bumili ng kung ano ano.! ayos ang lawak ng sagot ng konsensya ko, pero may point sya dun minsan kasi kahit di ko naman kailangan ng jacket pero dahil aalis kami ng gabi, malamig ang gabi so bumili pa ako ng bagong jacket.. eh di ba kung ano ano lang yun pwede ko namang gamitin yung dati kong jacket kung tutuusin nga minsan ko lang naman nagamit yun, kasi sa pilipinas dalawa lang ang weather, ang tag-init at tag-ulan. oh di ba?
2. Pangalawa sabi ko sa sarili ko mag cost cutting ako sa expenses sa pamasahe... pero hindi ko p rin nagagawa lubusan kasi nga nagpapahatid pa rin ako special papunta sa ofis at pag-uwi ko sa bahay oh di ba sosyal, pero hindi naman yan ang intention ko, gusto ko lang kasi may sobra nman ako allowance, so ang pangalawa pa lang dapat kong gawin ay tanggalin sa wallet ang sobrang allowance/cash at ilagay lang kung magkano ang dapat gamitin sa isang buong araw.
3. Pangatlo, kung maglalakwatcha ka dahil may especial na okasyon, wag gagaya sa iba na biglaan lang kasi hindi naman biglaan ang especial na okasyon, especial nga eh di ba.. so alam mo na kung ano okasyon at date ng occasion, sa ganyang mga bagay ang pinoy ang hilig hilig gumastos kapag may especial occasion kahit na medyo gipit hala utang dito, utang doon, dami kasing pwedeng mautangan ika-nga sasahurin mo palang next month eh nagastos mo na ngayon. kaya bukas nga nga. Kung alam mo naman palang may special occasion dapat 5 months before nagreready ka na. example. mag hanap ka na ng mura, canvas canvas din pag my time. check the net kung my promo yung restaurant na gusto mong kainan, oh kaya buy vouchers na may mga discount at ikaw na lang ang mag fit in dun sa trip nila at huwag ng ipilit ang gusto mo kung di naman kaya ng budget mo. Sumaya ka na lang at sasaya din lahat ng isasama mo dun. di ba nga smile is contagious lalo pa kung maganda ang aura ng mukha mo, kikiligin pa kasama mo kapag binigyan mo sya ng tingin ng kagaya ni Sian Lim o ng ngiti ni Daniel Padilla. achuchuchuchu..
4. at pang-apat at panghuli sakit na kamay ko kasi to be continued na lang yung iba, huwag mag out of town kung di ka rich.. di biro ang gastos kapag nag out of town ka sasaya ka nga, malungkot naman ang bank account mo. pero sabi nga nila YOLO you only live once, so try mo pa din kahit di ka rich, marami namang affordable package dyan, basta bigyan mo lang ng time yung sarili mong makapaghanap ng sulit na out of town package. Research is very important here, every thing you do is equivalent to how much you will spent so research is crucial in planning your get away. magbasa ka ng mga blog, puntahan mo yung website ng lugar na gusto mong marating, tumingin ka ng mga reviews at kung paano sila naka survive with a little budget na dala nila. Tapos check ka din ng murang fare ng eroplano, marami na nyan ngayon, kasi kung hindi naman business trip ang trip mo wag gagastos ng mahal sa pamasahe, mind you di yun masaya nakakalungkot promise!
ay teka parang gusto ko pang sundan ang investment tips ko, hmm bakit nga ba nasali ang investment tips dito eh pagtitipid version ko to? kasi nga po ang pagtitipid ay equivalent to investment, kasi you are investing effort, time, money in everything you do to achieve this so called pagtitipid. literally, nagkaron ka ng investment sa sarili mo ang disiplinahin ito para sa mas maayos na hinaharap as in future ha.. hindi boobs.! ay ang green ko.. ahahah.. joke! sige na minsan lang mag joke patusin nyo na.. please dear readers..(kung meron lang naman, assuming ako teh eh).
5. Pang lima, wag punta ng punta ng mall kung wala ka namang ka ideidea kung anong gagawin mo, kasi tiyak mapapagastos ka lang,example baka sa kakalakad mo mapagod ka at magutom so kakain ka,ano kailangan mo pera pambili, tapos dahil nabusog ka na parang nakakatamad di ba so gusto mong aliwin ang sarili mo pwede manood ka ng sine o kaya eh mag laro ka sa timezone, eh anong kailangan mo? pera na naman. kung nagawa mo na yun so titingin tingin ka naman at kapag nakita mo ang MAGIC WORD na laging hinahanap ng mata mo ay tiyak ubus ang pera mo may utang ka pa sa credit card mo. wow heavy men! sa tingin nyo ano yung magic word?.................... eto lang naman yung 0% OFF / SALE wow talaga heavy men! i love you SALE paki explain.
Sa totoo lang ang SALE ay ginawa para maubos ang paninda nila, magkaron ng instant maraming customer, upang makatulong din sa atin na imbes na ganito gagastusin mo eh magiging ganito na lang. kaya lang ang salitang SALE ay inaabuso natin siguro nga nsa ugali na natin ito ang maging greedy bili dito bili nyan kahit na after 2 months mo pa naman gagamitin eh binili mo na di mo pa nga na checheck yung payslip mo eh, di ka pa na kaka pag compute ng mga kikitain mo eh nagastos mo na. huwag sana natin abusuhin ang salitang sale at kaladkarin ito sa level ng pag-uugali natin, bagkus gawin natin inspirasyon na kapag sale matuto kang magpigil at mag-isip ng tama. ano lang ba ang kailangan ko sa oras na ito na sa tingin mo kahit hindi sale eh bibili ka nun. tapos yung ibang mga bagay na gusto mong magkaroon ka konting patience naman, ipon muna bago i swipe ang card na yan. okie ba tol? nakatulong ba ito sa yo kung oo konting feedback naman dyan. salamat
kaya naman Pinoy/Pinay, ano pa ba sa tingin nyo kulang dito, alam kong marami pa kayong naiisip pwede kayong magsulat sa feedback portion nito para naman maisama ko dito sa pagtitipid version nating lahat. maraming salamat.
Ang blog na ito talaga ay version ko at version mo.. comments below pls.. thank you, gomabsubnida.
Sa totoo lang ang SALE ay ginawa para maubos ang paninda nila, magkaron ng instant maraming customer, upang makatulong din sa atin na imbes na ganito gagastusin mo eh magiging ganito na lang. kaya lang ang salitang SALE ay inaabuso natin siguro nga nsa ugali na natin ito ang maging greedy bili dito bili nyan kahit na after 2 months mo pa naman gagamitin eh binili mo na di mo pa nga na checheck yung payslip mo eh, di ka pa na kaka pag compute ng mga kikitain mo eh nagastos mo na. huwag sana natin abusuhin ang salitang sale at kaladkarin ito sa level ng pag-uugali natin, bagkus gawin natin inspirasyon na kapag sale matuto kang magpigil at mag-isip ng tama. ano lang ba ang kailangan ko sa oras na ito na sa tingin mo kahit hindi sale eh bibili ka nun. tapos yung ibang mga bagay na gusto mong magkaroon ka konting patience naman, ipon muna bago i swipe ang card na yan. okie ba tol? nakatulong ba ito sa yo kung oo konting feedback naman dyan. salamat
kaya naman Pinoy/Pinay, ano pa ba sa tingin nyo kulang dito, alam kong marami pa kayong naiisip pwede kayong magsulat sa feedback portion nito para naman maisama ko dito sa pagtitipid version nating lahat. maraming salamat.
Ang blog na ito talaga ay version ko at version mo.. comments below pls.. thank you, gomabsubnida.
The Casino Review - Dr.MCD
TumugonBurahinThe Casino Review: Bonuses, Payouts, Mobile Apps, 김천 출장안마 Deposit Methods and more. It's no wonder our Casino 아산 출장샵 has taken on 군포 출장안마 the 포천 출장안마 role of 아산 출장샵 a